Ang Galing mo Kevin Durant

Si Kevin Durant ay manlalaro sa Basketball na sumisikat ngayon. Siya ay matagal ng Basketbolista, ngunit ngayong lang siya sumisikat. Magaling siya sa shooting, dunking at pagpasa ng bola. Siya ay isang manlalaro na magaling sa kahit anong galaw, pagtira o kahit anong parte ng paglalaro ng Basketball. Sa sobrang galing at sikat niya, may sarili na siyang sapatos na gawa ng Nike! Manipis at mapayat ang kanyang katawan, at hindi nga siya ganoon ka kisig. Hindi man kasing ganda ang katawan niya kay Lebron James, kasing taas ng talon ni Nate Robinson, kasing bilis ni Dwayne Wade, kaya niyang daigan ang bawat isa sa mga manlalarong ito.

Nagsimulang sumikat si Kevin Durant ng umabot sila sa 2011-2012 NBA season Championship. Sobrang dami ang humanga sa kanya at kanyang koponan na Oklahoma City. Kalaban nila ang Miami Heat na kahusay at galing ang mga manlalaro dito tulad ni Lebron James, Dwayne Wade at si Ray Allen. Ngunit kahit sunod sunod ang panalo ng Oklahoma City, hindi sila nagwagi sa NBA Championships at nanalo ang Miami Heat.

Ngayon sumisikat na ulit siya. Sa mag nakalipas niyang laro sa pagsimula ng 2014, nagkakaroon siyang ng halos 30 na puntos o pataas kada laro. Noong ika-7 ng Pebrero 2014, nagkaroon siya ng puntos na 54! Grabe, halos siya lang ang nagkapuntos sa kanilang koponan. Pero hindi lang siya nagkaroon ng ganitong kadaming puntos, nagkaroon din siya ng 6 na assist. Ibig-sabihin nito, nakapuntos siya ng marami at nagbigay pa ng oportunidad sa kanyang mga kakampi para magkapuntos.

Siya ay nakatanggap ng napakaraming gantipala noong siya ay nasa unibersidad, sa kanyang koponan ngayon pati na rin ang mag gantimpala na natanggap niya sa Team USA. Napakarami niya puntos at nakakatamad ng isulat dito. Ngunit bukod sa kanyang mga narating, naabot at mga natanggap niyang gantimpala, magaling pa ba sa Kevin Durant sa buhay?

Oo, pagdating sa buhay, panalo pa rin si Kevin Durant. Si Kevin Durant ay isa sa mga atleta sa NBA na isang Kristiyano. Hindi siya nahihiya sa kanyang pananampalataya. Isang halimbawa nito ay noong tinawanan siya ng taga-ulat ng ESPN. Sa magandang performance niya sa mga nakalipas na laro, sabi ni Kevin Durant na, ang Diyos lang ang may gawa nito. Tinanong ng taga-ulat ng ESPN kung mayroon siyang ginawa kaya ganito na ang nararating ng kanyang koponan. Sabi naman ni Kevin “its all Him”. Diyos lang daw ang may gawa nito ayon sa kanya. Ngayon pinapahayag niya ang patotoo ng kanyang buhay bilang isang Kristyano at atleta sa NBA sa mga simbahan tulad ng Hillsong Church sa New York. Ayon din sa aking pagsasaliksik, siya daw ay palaging nagdadala ng bibliya sa bawat laro niya. Kahit mga simpleng mga bagay ito, nakaktuwa dahil hindi siya nahihiya sa kanyang pananampalataya. Hindi siya perpekto, siya rin ay nakakaproblema sa kanyang pananampalataya. Nahihiya din daw siya minsan. Pero sabi niya, siya daw ay nasa mission ng pagiging mas mabuti at malalim na Kristiyano.

Si Kevin Durant na ayaw ko dati ay ngayon nagsilbing insipirasyon ko. Hinahangaan ko siya sa paglalaro niya at kanyang buhay. Sana ippagpatuloy niya ito. Para siyang si Jeremy Lin pero mas mataas pa ang naabot ni Kevin Durant dahil nadaigan pa niya ang mga magagaling ngayon.

Tunay na magaling sa Basketball si Kevin Durant at tunay na magaling siya sa buhay!

TAPOS

Karagdagang bagay na gusto kong ipakita

Isang panayam kay Kevin Durant
Bonham: People always talk about how down-to-earth you are. What’s your secret to staying humble in a world where it’s all to easy to get caught up in the hype of fortune and fame?

Durant: It’s tough man. I can’t lie. I can’t lie about that. But I always kind of pinch myself and say that any day this can be gone. In the Bible, (it says) the Lord exalts humility and that’s one thing I try to be all the time—when I’m talking in front of people or when people tell me I’m great, I (remind myself that I) can always be better. I always work on what I have now. I’ve just got to be thankful to the Lord for what the gifts He’s given me. My gift back to Him is to always be humble and to always try to work as hard as I can. I’ve got to continue to be that way. I know that if I try to get a big head, my mom is going to do a great job of bringing me back down to size. I have the best of both worlds with the coaches we have here and my parents and my family doing it back at home. I’m in pretty good hands.

Mula sa http://www.beliefnet.com/columnists/inspiringathletes/2011/05/nba-all-star-kevin-durant-on-faith-family-and-fame.html#ixzz2t4SpOhbl

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s